OTOT
Jerone Avel S. Cansino
Sa
pagsabog mo, sila'y napapasigaw!
Ikaw
ay mahahalata, hindi man umalingawngaw
Ikaw
ay lumalabas, sa pagkakataong panakaw
sa
kailaliman ng bituka, ikaw ay sumisingaw
Oh
tunay nga naman, ika'y nakaririndi
Sa
puso't isip, ilong ng marami
Matapos
mailabas tigib ng pagsisisi
Masakit
sa tenga hindi man nakabibingi
Oh
anong ligaya ang sa twina'y nadarama
Kapag
nailabas nang walang disgrasya
Sa
bawat pagpigil huwag sanang mabigla
kundi,
mabangong hangin, sasama bigla
Anong
klaseng tao ka, kung walang pakinabang?
ang
buhay mong hubad, tila isang hung-hang
kasama
sa pulutong ng makapal na balang
mabuti
siguro'y isubo ka sa tikbalang
Ang
otot ba talaga, ay sadyang masama?
o
ang mga taong sobra humusga?
Ito
ay naglilinis ng maruming bituka
sa
masakit na sikmura nagbbigay ginhawa
May
mga bagay na kung akalain ay masama
na
sa bawat panahon, ay kasumpa-sumpa
ngunit!
datapwa't ! aba!
may
kabutihan ding dala
Kung
ang hatid mo'y puro sakit,
Ika'y
magtanong na kung bakit
Ang
buhay mong sagad na pangit
Gawin
mo na ngayon, na kaakit-akit
Ang
otot nga ay may pakinabang
sa
ating kalikasan at mga halaman
Masasabi
ko ang otot, kumpara sayo'y mainam
Kumpara sa buhay mong,
tigib ng katamaran
Comments
Post a Comment