BUHAY, KAMATAYAN, HALAGA, PRENDS WID BENEPITS AT IBA PANG PILOSOPIYANG PANTAGAY, PANG ESTUDYANTE AT PANTAMBAY: KRITIKA SA “LAPIT NA ME LIGO NA U” ni EROS ATALIA
JERONE AVEL S. CANSINO
MAED SOCIAL SCIENCE STUDENT
Introduksiyon
Ano ang best date para mag commit ng
suicide? Ano ang friends with benefits? Masarap ba talaga ang alak? Ano ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng mga babae? Paano ba sila dapat ispelingin? Paano
iintindihin ang mga nilalang na ayaw magpaintindi. Paano magtanong kung bawal
mag tanong? Paano naman kaya sasaagot kung hindi mo alam ang isasagot. Maraming
madaling tanong pero mahirap sagutin. Ano ba talaga ang tunay na halaga ng
isang babae? Paano ba siya nakikita at dapat Makita ng mga kalalakihan sa post
modernong panahon. Ano ang rason sa mga bagay bagay at ano naman kaya ang mga
bagay bagay kung walang rason. Ilan ito sa mga konsepto na pinaikot ni Eros
Atalia sa isa sa pinaka sikat niyang akda na sumasalamin sa mundo ng mga taong
madalas hindi maintidihan at nahuhusgahan. Ito ay naging pelikula na naipalabas
noong 2011 na pinagbidahan nina Edgar Allan Guzman (Intoy) at Mercedes Cabral
(Jen). May dalawang aklat nan a sumunod dito (Wag lang di Makaraos at It’s not
that Complicated) na nagpapatuloy sa masalimuot, nakakatuwa at nakakatawang
kasaysayan ng pangunahing tauhan.
Ang ‘Ligo na U, Lapit na me’ ay ikaapat
na akda ni Eros na nailimbag (Taguan Pung, Manwal ng mga Napapagal at
peksman Mamatay ka man.) Kapansinpansin ang pang uuyam sa lahat ng
kaniyang mga akda. Madalas niyang ipakita ang mga nangyayari sa lipunan na
malimit makita ng karamin. Mula rin mismo sa kanya na ang “Ligo na U, Lapit na
me” ay prequel ng “Peksman” (Atalia, 2009) ipinaliwanag niya
rin na ang mga tauhan sa kuwentong ito ay produkto ng kaniyang eksperimento na
lumabas namang kaayaaya. Alam niya rin na maraming lilitaw na kritiko dahil sa
pambibitin niya sa dulo ng kuwento kaya sinabi niya sa unahan ng aklat na kahit
naman sa totoong buhay ay may mga taong dumarating at umaalis sa buhay natin. (Atalia, 2009) Ang kuwentong ito ay
isinalaysay sap unto de bista ng pangunahing tauhan na si Intoy. Isang mag
aaral na kasalukuyang nasa huling taon ng pag aaral sa kolehiyo. Ito rin ay isa
lang sa mga kuwento na pinagbidahan ni Intoy. Kasama nito ang Wag lang di
Makaraos, Taguan Pung, Peksman Mamatay ka man, Wag lang di Makaraos at It’s not
that Complicated (Valderama, 2012) Na kung pag aaralan,
ay nagpapakita ng pagiging miserable ng buhay nito. Unang Naisulat ang tatlong
aklat na pinagbidahan ni Intoy ngunit sinasabing ang aklat na Ito ang
nagpaliwanag sa kasaysayan ni Intoy.
Nagsimula ang kuwento habang sila ay
kumukuha ng pagsusulit sa Physics. Makikita rito ang unang agos ng mga litanya ni
Intoy sa mga bagaybagay. Tinanong Jen kung ano raw ang pinaka magandang Petsa
para magpakamatay. (Atalia, 2009) . Mula noong
magkukwento si intoy kung paano sila nagkakilala at kung ano ang meron sa
pagitan nilang dalawa. Habang sigurado siyang meroong nangyayari sa kanila sa
loob ng MOTEL, ay hindi niya rin alam kung meron ba talagang namamagitan sa
kanila. Hindi siya nagtatanong dahil ayaw daw ni Jen na nagtatanong ito tungkol
sa kaniya. Para makaiwas sa suspisyon ng mga kaklase madalas ay maunang lalabas
si Jen at magche-check in sa Motel na susundan naman ni Intoy matapos ang ilang
sandali. Magpapadala si Intoy ng text message kay Jen Lapit na me, Ligo na u.
At doon nanggaling ang titulo ng nobelang ito. Maliban sa paglalaro nila naging
laman din nila ng kuwentuhan ang pagtatanong tungkol sa mga bagaybagay may
kuwenta man o wala. May mga pagkakataon na sasagutin nila ng matinong sago tang
mga walang kuwentang tanong at sasagutin ng walang kuwentang sago tang mga
matitinong tanong. Umiikot ang relasyon na mayroon sila sa paglalaro sa Motel,
pagtambay sa coffee shop habang nagkukuwentuhan o habang pinapanod ni Jen si
Intoy na umiiyak. Ayon sa salaysay ni Intoy, maka ilang beses rin na hinto ang
benepisyo niya. Ayon rin sa kaniyang salaysay, kailangan lang niyang mag hintay
ng ilang pagkakataon ay si Jen na rin mismo ang lalapit sa kaniya upang ibalik
ang mga kung ano mang bagay na namagitan sa kanila kasama ang mga benepisyo
nito. Dumating ang pagkakataon, naramdaman ni Intoy na may nabubuo nang
damdamin para kay Jen. Bumili siya ng panregalo. Gumastos siya para sa isang
bagay na hindi kasama sa budget na hindi karaniwan para sa kaniya. Noong akma
na siyang magsasalita, inunahan siya ni Jen na ilabas ang isang positibong
pregnancy test. Umiiyak ito. Nagulat si Intoy. Sinabi ni Jen na hindi sa kanya
ang bata at mula noon ay hindi na sila nagkita. Hinanap ni Intoy si Jen pero
hindi niya alam kung paano. Takot siyang mangalap ng impormasyon dahil iniisaip
niya kung ano ang iisipin ng mga taong nakapalibot sa kanya. Nalalapit na ang
pagtatapos ni Intoy sa Kolehiyo hindi mawala sa isip niya si Jen at doon
nagsimula ang mga repleksiyon niya tungkol sa alak at pagtangkilik sa mga
kalapating mababa ang lipad. Sinubukan niyang hanapin sa iba ag mga bagay na
ibinigay sa kaniya ni Jen ngunit sa huli, umuwi lamang siyang lasing at
sumusuka sa loob ng bus. Nakipag kuwentuhan sa kapitbahay na may luwag ang
tornilyo at nag kumento tungkol sa pamimilosopiya ng katotohanan. Gumulong ang
kuwento at nagtapos na hindi pa rin niya nakita si Jen. Nagtapos ito sa
desisyon ni Intoy na maghanap na lamang muna ng trabaho.
Si
Eros ay nakapagtapos ng BSE sa Philippine Normal University (1996) at MALL-Fil
sa DLSU (2008) kapansin pansin ang paraan ng pagsulat ni Eros sa lahat ng
kanyang mga akda na naglalaro sa gitna ng pamantayan ng akademiya at paggamit
ng mga salitang kanto (kolokyal). Ipinaliwanag niya na gusto niyang makapag
abot ng mas malawak na audience. Makikita na hindi pa rin siya tuluyang lumayo
sa pormal na disiplina ng mga manunulat pang akademiko ngunit ginawa niyang
impormal ang kaniyang style para maabot ang mas malawak na popolasyon ng mga
mambabasa.
Analisis
Jen.
Ano raw ba ang best date para
magpakamatay? Siya ay isang
babae na nababalot ng misteryo. Isang nilalang na punong puno ng mga lihim.
Dati siyang nag aaral sa isang pampribadong pamantasan at napatalsik dahil
nahuling nakikipagtalik sa loob ng campus. At sa pag lipat niya ay doon sila
nagkadaupang palad ni Intoy (Karl Vladimir Lenno J. Villalobos). Bilang natural
na mga reaksiyon ng mga kalalakihan (at kababaihan na rin) sa lahat ng
paaralan, kapag nakakita ng transferee, siya ay pinangarap at pinag nasaan ng
mga kalalakihan sa kanilang Campus. Pero namumukodtangi ang pagsusuplado ni
Intoy kaya mas pinili niyang lumapit ditto. At doon nagsimula ang isang bukod
tanging relasyon na kung tawagin ay frends with benefits.
Intoy.
Isang estudyante na matalino, makulit, sarcastic ngunit amindong hindi gusto
ang exact science. Dito ipinakita ng may akda ang posisyon ng tauhan sa rason
at lohika na may malaking kinalaman sa pananaw niya tungkol sa pag ibig. May
mga anggulong hindi niya nakikita dahil hindi niya naiintindihan si Jen. May
inaalagaang reputasyon at impresyon na magiging dahilan kung bakit tuluyan
silang maghihiwalay at huli na niyang naintindihan ang mga pangyayari. Hindi
ito ang unang pagkakataon na nagbida si Intoy sa akda ni Atalia ngunit ito ang
prequel ng kanyang kasaysayan. Ito ang magpapaliwanag kung bakit napaka
miserable ng kanyang buhay. Pilit niya kasing itinatanggi ang pag tanggi niya
sa lipunan ngunit hindi niya napapansin sa sarili niya na ang bawat desisyon
niya ay nakasalalay parin sa pag sang ayon ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Ugnayan.
Nagsimula ang ugnayan nila noong mag tanong si Jen tungkol sa sex life ni
intoy. Dito ipinakita ni Atalia na si Jen ay hindi katulad ng konserbatibong
babae. Bilang mga Pilipino, mayroon tayong konsepto ng Maria Clara kung saan ang depiksiyon natin sa mga babae ay
konserbatibo. Sa ating kultura nakasanayan natin na lalaki ang dapat na
gumagawa ng unang galaw. Sa panliligaw at sa iba pang kaugnay na mga bagay.
Ngunit hindi ganoon si Jen. At doon ang una nilang pagkakasundo ni Intoy. Kung
ang halos lahat ng mga lalaki ayon sa salaysay ni Intoy. Hindi malinaw kung may
romantikong damdamin na namagitan sa kanilang dalawa. Isinalaysay ang kuwento
sa limitadong pananaw ni intoy na makikita sa bawat pagkakataon ang pagiging
manhid niya sa damdamin ni Jen at ang pagiging konsiyus (conscious) niya sa
kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanya. Malaking bahagi ng mga desisyon
niya ay nakasalalay sa kung ano ang iniisip ng mga tao sa knyang paligid.
Makikita rin ang hindi niya pagpapakatotoo sa sarili na kabaligtaran naman ni
Jen. Sinasabi ni Intoy na ayaw ni Jen na tinatanong siya nito tungkol sa kaniyang
sarili pero kung ilalagay sa konsepto ng sikolohiya ng mga babae madalas ay
sinasabi nila ang mga bagay na kabaligtaran ng gusto nilang mangyari.
Si
Jen ay anak ng mga magulang na may katungkulan. Nagtatabaho sa bangko ang
kaniyang ama at naka kotse siya kung pumasok. Inkinukwento nga ito ni into na
kasama sa mga benepisyo niya ang paghahatid ni Jen sa kaniya. Napatalsik siya
mula sa isang katolikong Pamantasan dahil sa nagawa nila ng kasintahan sa loob
ng silid. Sa aking opinion, marahil ay paraan ito ng may akda na ipakita ang
coflik (conflict) na nangyayari sa buhay ni Jen.Humahanap siya ng pagtanggap.
Marahil naging biktima siya ng kapusukan ng mga lalaki. Marahil ay naging parausan
siya dahil sa pag aakalang may magmamahal sa kanya kung ibibigay niya ang
lahat. Marahil ay isa siyang indibidwal na naghahanap ng kalinga. Mas madalas
na si Jen ang nanlilibre sa mga lakad nila. Marahil gusto ni Jen ng taong
tatanggap sa kanya ngunit takot siya dahil ayaw rin niyang madamay si intoy sa
paghuhusga ng lipunan na maaani ni intoy dahil sa kaniya. Marami siyang mga
bagay na itinatago. Sa aking pananaw, noong mga panahon na hinhinto ni Jen ang
pakikipag ugnayan kay intoy sinusubok niya lamang ito kung kaya siya nitong
ipaglaban ngunit hindi niya nagawa. Noong inilabas ni jen ang positibong
pregnancy test hindi nagsalita lamang siya pagkatapos magsalita si Intoy na may
halong pagkagulat. Sinusukat niya si Intoy kung kaya siya nitong panindigan. At
base sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ng binata, meron siyang nakumpirma.
Isa pang pagkakataon ay noong ginulo ni Jen si Intoy habang kumukuha ng
pagsusulit sa physics kung saan kinailanagan pa siyang bilhin sa pamamagitan ng
isang bar ng dark chocolate. Tinatanong ni Jen si Intoy kung ano ang perpektong
petsa para sa pagpapakamatay. Inisaisa ni into yang lahat ng buwan at sinabi
ang mga dahilan kung bakit pangit mag pakamatay sa mga buwan na iyon. Ang
naging sagot naman ni Jen ay ‘Akala ko ba naman pipigilan mo ako’. Isa iyong
malakas na indikasyon ng pagkauhaw ni Jen sa pagmamahal na hindi naintindihan
ni Intoy dahil marami siyang bagay na hindi naintindihan at kinatakutan.
Maaaring si Intoy ang ama ng dinadala ni Jen. Sadyang huli lang napag isipan ni
Intoy na kailangan niya na rin talaga ang dalaga. Hini na ito sumasagot sa mga
text at tawag niya. At dahil hindi niya rin alam kung saan ito nakatira hindi
niya rin mapuntahan ang bahay nito. Di na pumasok si Jen at magtatapos sya sa
kolehiyo na di ito kasama.
Ikinumpara
niya ang seks (sex) sa pagkain. Ang pakikipagtalik raw sa babaeng hindi niya
mahal (pagpaparaos) ay katulad ng pagkain para lamang mabusog- walang
satispaksiyon. Hindi pareho ang bawat tao. May mga bagay na maibibigay ang
isang tao na wala sa iba. Naranasan niya ang salimuot ng buhay at pagiging
salungat ng tao sa mga bagay na gusto niyang mangyari. Siya mismo ay hindi na
rin alam kung ano ang gusting mangyari sa kaniyang sarili. Uminom siya para
makalimutan si Jen pero maya’t maya ay gusto niya itong maalala.
Nagiging
bilanggo ang tao sa mga bagay nakalipas. Sa sitwasyon ni Jen maraming bagay na
nagpapalugmok sa kanya. Ayon sa salaysay ni intoy madalas itong umiyak. Hindi
niya tinatanong kung bakit dahil ayaw raw ni Jen na nagtatanong ito sa kanya.
Kontento na lang raw itong paupuuin sa harap niya si itoy habang siya ay
umiiyak. Maaring gusto rin sabihin ni Jen kay Intoy lahat ng mga problema niya.
Pero baka katulad ni Intoy takot rin siyang malaman ni Into yang buo niyang
pagkatao dahil marahil ay takot rin siyang mawala ito pero takot din siyang
mahulog ang loob niya ng tuluyan dahil hindi niya pa rin siya sigurado kay
Intoy kung handa siya nitong ipaglaban.
Hindi
rin maiwawala ang posibilidad na isang kabit si Jen. Pwede rin itong ipaliwanag
ng pag tanggi niyang magbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili kay
intoy. Maraming mga posibilidad sa nobelang ito na tumatalakay sa mga
sensitibong isyu ng lipunan. At sa aking opinion ang pinaka sinesentro nito ay
ang pagpapahala sa mga kababaihan. Ano nga ba talaga ang basehan ng halaga ng
isang babae. Sa isang lipunan na mapanghusga, paano ba dapat tingnan ang dangal
at halaga ng isang tao? Sa huling parte ng aklat ay ang mga kumento ni Intoy sa
mga relihiyosong tao at sa napansin niya sa mga ito. Dito ipinagbubunggo ang magkakaibang
pananaw ng relihiyon humanismo at feminismo. Sa dulo nagdesisyon si Intoy na
unahin na muna ang mga bagay na mas mahalaga at nagbabakasakaling dumating ang
panahon na malimutan niya rin si Jen pero sa likod g uta niya ay gusto niya pa
ring ipagpatuloy ang paghahanap dito.
Rekomendasyon
Tayong mga Pilipino ay may sinusunod
na kultura. Likas sa ating kultura ang pagpapahalaga sa mga babae at sa
malaking papel na ginagampanan ng mga ito sa lipunan. Mismong si Dr. J P Rizal
ay nakapag sulat ng isang liham para sa mga kababaihang Filipina. Alam niya
kung ano ang magagawa ng mga kababaihan.
Maaari rin itong gamitin sa
pagtuturo tungkol sa responsibilidad. Sa sarili at sa mga gagawing desisyon.
Nabubuhay tayo na marami sa mga desisyon ay nakasalalay sa kung anong sasabihin
ng ibang tao. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman ang katotohanan na may mga
tamang desisyon na naiiba sa pananaw ng nakararami dahil hindi nila nakita ang
mga bagay na nakita at naranasan ng nag desisyon. Hindi medaling mag desisyon
na maging kakaiba. Maraming mukha ang lipunan at madalas ang bawat uri ng tao
ay limitado laman ang nakikita sa mga ito. May may bagay na nagiging dahilan ng
pagdedesisyon. Ang kamalian at pagiging tama ay nakadepende sa kung ano ang
nakita at sa karanasan ng bawat tao.
Sinasaklaw
ng akda ang isang sensitibong tema. Ang pagpapahalaga sa kababaihan. Magandang
midyum ang akda sa pagtuturo ng pilosopiya lalo na sa mga temang pagpapahalaga
ng tao sa buhay. Maari din itong gamitin sa pagtuturo ng edukasyon sa
pagpapaktao sa mga aralin na may kinalaman sa pagpapahalaga sa sarili. Sa
bandang huli ng kuwento lumabas ang isang malinaw ng implikasyon. Si Intoy ay
anak pa rin ng nanay niya. Matapos siyang maglasing at mambabae at lumustay ng
perang pinaghrapan ng kaniyang mga magulang, gising na naghihintay ang ama at
ina. Ipinagluto siya ng noodles, pinagtimpla ng kape at sinamahan habang
umiinom nito. Inako ng nanay ni Into yang toka nito sa pag igib ng tubig. Bata
pa siya.
Isa sa mga naging mainit na isyu sa
mga kabataan ang teenage pregnancy at ang premarital affairs na nangyayari sa
mga kabataan. Maraming mga bagay na natututunan ang mga ito na hindi tinuturo
sa paaralan. Isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang pag tuturo ng sex Education
sa paaralan. Habang marami pa ring mg kritiko ukol sa bagay na ito, malinaw na
may umiiral na ganitong uri ng problema. Paano ba natin dapat tingnan ang
premarital at extramarital sexual affairs? Ano nga ba talaga ang dapat ituro? Ang etikong
makatao o ang pamantayan na ibinibigay ng relihiyon?
Nagbabago na ang pananaw ng tao sa
mga bagaybagay sa paglipas ng panahon. Hindi na pe keme at balot na balot si
Maria Clara. May mga kasong nagiging mapusok na rin siya. Bagama’t nabubuhay
tayo sa kapanahunan ng kinikilala ang kahalagahan at kakayahan ng mga babae sa
lipunan, nabubuhay pa rin tayo sa panahon na hindi pa rin nawawal ang pagtingin
sa babae bilang object ng pagnanasa ng mga lalaki. Marahil ay kapwa natuto sina
Jenny at Intoy. Natutunan ni Jen na pahalagahan ang sarili at mahalin ito. Sa
pamamagitan ng pag layo. Natutunan niya na kaya niyang mabuhay. Natutunan ni
Intoy na isuko ang pagiging pasuplado at natutunan rin niyang huli na niya
itong natutunan.
References
Atalia, E. S. (2009). Ligo Na U,
Lapit na me. In E. S. Atalia, Ligo Na U, Lapit na me (pp. 6-8). San
Roque, Pasay City: VISPRINT, INC.
Valderama, T. (2012, May 29). Antabayanan.
Retrieved from Antabayanan:
http://antabayanpilipino.blogspot.com/2012/05/si-intoy-sa-mga-panulat-ni-eros-atalia.html
Comments
Post a Comment