On Marcos and Martial Law
Kapag naglalahad ako ng mga naratibo tungkol sa kasaysayan mas madalas akong sabihan ng bobo ng mga taong walang alam mismo sa tamang metodo ng Kasaysayan kesyo book-based daw ako (yung isang nag-sabi nun naniniwala kay Nostradamus at hindi naniniwala sa Supreme Court).
Matagal ko nang tanggap an mukhang mananalo nga si Marcos kaya lahat ng effort ko ay ibinuhos ko na sa sap ag laban sa Historical Distortion at Misinformation na ikinalat ng mga Kaibigan nating “well-mannered”. Natuklasan ko sa eleksiyon na ito na pwede palang gamitin ang “well-mannered card” kapag ikaw ay nasupalpal ng facts na based on evidence na hindi kayang banggain.
Sige himayin natin ang mga argumento ng mga kaibigan nating well mannered.
Ano ang ninakaw? Bakit walang napatunayan sa Korte? Ano ba ang ninakaw sayo? Paninirang puri yan pwede ka makulong diyan.
Girls and boys marami po ang ninakaw makikita yun sa website ng PCGG marami ang na recover.
1. https://hrvvmemcom.gov.ph/ill-gotten-wealth-recognized-by-the-philippine-supreme-court-2/
2. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/breakdown-billions-recovered-marcos-ill-gotten-wealth-by-pcgg-more-to-get/
By the way nagiging conscious ako sa pag cite ng rappler dahil marami akong well mannered friends na nagsasabi na bia daw ito. Sige turuan ko kayo ng hindi naituro sa inyo sa high school at college ahh. Ang tawag dito ay fact checking. May kaparehong konsepto ito sa Historiography (ang metodo ng pagsulat ng kasaysaya) ang tawag ay external criticism. Ang ibig sabihin ng external criticism ay pag kumpara ng isang narratibo o pahayag sa sinasabi ng iba pang source. Sa mga artikulo na katulad ng diyaryo tingnan niyo na lang ang court rulings na binabanggit.
Kung duda kayo sa sinabi ng rappler tingnan niyo kung ano ang mga bagay na tinutukoy niya at kayo mismo ang mag check ng sources niya. Wag niyo sabihin agad na fake news agad ang rappler hanggat hindi niyo napatunayan.
Ilalagay ko dito ang mga ill gotten wealth na narecover ng PCGG ito ay ayon mismo sa website ng PCGG
3. https://www.foi.gov.ph/requests?agency=PCGG
May mga well mannered na hindi naniniwala dito dahil dilawan daw ang PCGG at ninakaw daw nila ang yaman ni Marcos. Idagdag ko na rin na may tatlong Desisyon na ang Korte Suprema tungkol sa Pag Bawi ng mga nakaw na yaman ni Marcos.
4. https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/48708
This is a petition for certiorari under Rule 65 of the Rules of Court seeking to (1) set aside the Resolution dated January 31, 2002 issued by the Special First Division of the Sandiganbayan in Civil Case No. 0141 entitled Republic of the Philippines vs. Ferdinand E. Marcos, et. al., and (2) reinstate its earlier decision dated September 19, 2000 which forfeited in favor of petitioner Republic of the Philippines (Republic) the amount held in escrow in the Philippine National Bank (PNB) in the aggregate amount of US$658,175,373.60 as of January 31, 2002.
Ang nagsulat yata nito ay si Justice Corona. Naalala niyo yung ipina impeach ni Noynoy? Di ko sure kung siya talaga ito I research niyo na lang. Kapag totoo na si CJ corona ay ang Chief Justice na nagpanalo ng Hacienda Luisita case. Hindi ito dilawan. Huwag maging mangmang.
Tapos Besh Lumaban pa rin ang mga Marcos ayaw talaga nila ibalik ang mga nakaw nila sinabi Ulit ng Supreme Court, “Ibalik Niyo”
5. https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/54791 May isa akong well mannered na nakausap na walang court rulings with finality daw. Girl ito ang ruling na nagsasabing may finality na. Ito ay matapos humiling ng reconsideration ang pamilyang Marcos.
6. Ito pa isa pang desisyon ng supreme court written by Justice Sereno: https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/62728 .
To be fair naman mga kasong naipanalo si Marcos totoo yun.
Ito ang link sa mga balita.
1. http://www.cnnphilippines.com/news/2021/7/16/Sandiganbayan-Marcos-family-ill-gotten-wealth.html
2. https://www.pna.gov.ph/articles/1147202
3. https://www.remate.ph/ill-gotten-wealth-cases-vs-marcoses-ibinasura-ng-sandiganbayan/
4. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/10/08/1958471/p105-b-ill-gotten-wealth-case-vs-marcoses-ibinasura-ng-sandiganbayan-division
Pero hindi pa tapos ang mga kaso na ito dahil hindi pa umaabot sa Supreme court. So abangan natin kung ano ang mangyayari.
Oo nga pala. Si Imelda ay nahatulan na guilty. Kaya lang marami silang nakaw na yaman at nakapag piyansa agad. Hintayin natin ito na umabot sa Supreme court kaya. Lang nanalo ang anak at sa edad niya baka mauna pa to kunin ni Lord kaysa Makulong. (There you have it kung bakit di nakulong. Maraming Pera pang Piyansa)
1. https://www.nytimes.com/2018/11/09/world/asia/imelda-marcos-sentenced-philippines.html
Kapag nilalapag ko tong mga argumento na ito itatanong nila kung bakit hindi nakulong. Huwag po tayo maging mangmang at bulag. Kung binasa niyo ang Supreme Court rulings iyon ay pag bawi lamang sa mga nakaw na yaman. Ibang Kaso ang graft na may hatol na kulong. Di na pwede ikulong si Ferdinand Sr. nasa bartolina na siya sa Libingan ng mga “bayani”. Si Imelda nakapag piyansa. Panoorin niyo na lang ang paliwanag ni dating Chief Justice Sereno
Wrap up tayo
1. May mga desisyon ang korte. May mga napatunayan na kaso.
2. May kasinungalingan na ipinakalat ang mga Marcos noong kampanya
3. May historical distortion na nangyari
Kailangang tumindig ng mga naniniwala sa tama at nasa tama pang katinuan.
Hindi ibigsabihin ng pag tanggap ay pag limot.
.jpg)
Comments
Post a Comment