On Marcos and Martial Law
Isang pag himay sa Argumento ng mga Well-Mannered Kapag naglalahad ako ng mga naratibo tungkol sa kasaysayan mas madalas akong sabihan ng bobo ng mga taong walang alam mismo sa tamang metodo ng Kasaysayan kesyo book-based daw ako (yung isang nag-sabi nun naniniwala kay Nostradamus at hindi naniniwala sa Supreme Court). Matagal ko nang tanggap an mukhang mananalo nga si Marcos kaya lahat ng effort ko ay ibinuhos ko na sa sap ag laban sa Historical Distortion at Misinformation na ikinalat ng mga Kaibigan nating “well-mannered”. Natuklasan ko sa eleksiyon na ito na pwede palang gamitin ang “well-mannered card” kapag ikaw ay nasupalpal ng facts na based on evidence na hindi kayang banggain. Sige himayin natin ang mga argumento ng mga kaibigan nating well mannered. Ano ang ninakaw? Bakit walang napatunayan sa Korte? Ano ba ang ninakaw sayo? Paninirang puri yan pwede ka makulong diyan. Girls and boys marami po ang ninakaw makikita yun sa website ng PCGG marami ang na r...